Nais mo ba malaman kung paano at para saan ginasta ng lokal na pamahalaan ang kanyang pondo? May kinalaman ba sa paggasta ang suportang nakuha ng alkalde o gubernador?
Ito ang Philippine Local Government Interactive Dataset. Sa pamamagitan ng dashboard na ito, malalaman mo kung sino ang kasalukuyang nahalal sa iyong syudad o lalawigan, gaano kalaki ang kanilang nakuhang boto, at kung may kinalaman ang mga ito sa kaledad ng pananalapi ng inyong lokal na pamahlaan. Hangad namin na sa pamamagitan ng mga nasabing impormasyon, makapamili ka ng mas nararapat sa iyong boto ngayong eleksyon.
Welcome to the Philippine Local Government Interactive Dataset! This tool is your go-to resource for exploring data on local governance, responsibilities, and the performance of politicians—information that come handy for the upcoming 2025 elections. The platform compiles public datasets, focusing on electoral and fiscal information from 1992 to 2022. Its goal is to provide valuable insights that can help raise awareness and support informed decision-making about political candidates, government spending, and historical data. Access to the data is absolutely free. We hope this data can help you understand and evaluate local policies and guide your choice when you cast your votes on May 2025.
Para kanino ang dashboard na ito?
Ang dashboard ay bukas sa sinumang nais suriin at kilatisin ang estado ng lokal na pamamahala sa kanyang bayan o syudad. Ito ay para sa mga estudyante, mananaliksik, mamamahayag, kritiko, kawani ng pamahalaan, o maski may katungkulan. Naglalaman ang dashboard ng mga datos na may kinalaman sa eleksyon at lokal na pananalapi mula 1992 hanggang 2022. Sa pamamagitan ng dashboard maaring lumikha ng mga simple at mabilisang talaan at graphs. Sa pamamagitan nito, madaling masusuri at maiintindihan kung ano ang kinalaman ng balota sa paraan ng paggasta.
1992-2022
227
81
146
31
15,148
11
8
Gusto mo bang subukan?
Simple lang gamitin ang dashboard. Sa ibaba, makikita ang tatlo na menu (Data Type).