Ito ang Philippine Local Government Interactive Dataset. Sa pamamagitan ng dashboard na ito, malalaman mo kung sino ang kasalukuyang nahalal sa iyong syudad o lalawigan, gaano kalaki ang kanilang nakuhang boto, at kung may kinalaman ang mga ito sa kaledad ng pananalapi ng inyong lokal na pamahlaan. Hangad namin na sa pamamagitan ng mga nasabing impormasyon, makapamili ka ng mas nararapat sa iyong boto ngayong eleksyon.
FAQs
Ano ang Philippine Local Government Interactive Dataset?
Ito ay pampublikong datos na may kinalaman sa mga nanunungkulan gaya ng kanilang nakuhang boto at init ng kumpetisyon noong eleksyon na kanilang naipanalo. Kasabay nito ang pagkalap ng datos tungkol sa pananalapi ng lokal na pamahalaan bilang proxy o sukat ng kalidad ng pamamalakad.
Ano ang layunin ng proyekto?
Layunin nitong palakasin ang bukas at responsableng lokal na pamamahala sa pamamagitan ng pagbibigay ng accessible na datos tungkol sa lokal na eleksyon at pananalapi ng mga lokal na pamahalaan.
Sino ang nasa likod ng proyekto?
Ang proyekto ay bahagi ng Program on Social and Political Change (PSPC) sa ilalim ng UP Center for Integrative and Development Studies (UP CIDS).
Sino ang UP CIDS?
Ang UP CIDS ay itinatag noong 1985 ni dating UP President Edgardo Angara bilang policy research unit ng UP System.
Sino ang PSPC?
Ang Program on Social and Political Change (PSPC) ay naglalayong magbigay ng plataporma para maunawaan ang mga sosyo-politikal na kalagayan sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsasagawa ng empirical studies sa mga isyung panlipunan at pampulitika. Layunin nitong maghain ng policy recommendations at iba pang tugon para sa pamahalaan, social institutions, at iba’t-ibang organisasyon.
Anong uri ng datos ang matatagpuan sa dashboard?
Makikita rito ang mga datos ukol sa:
Lokal na Eleksyon: LGU, kandidato, bilang ng boto, posisyon, at taon ng halalan.
Lokal na Pananalapi: alokasyon ng buwis ng pambansang gobyerno, gastos ng gobyerno na nakalaan sa pampublikong serbisyo, at iba pa.
Paano magagamit ang datos?
Ang interactive dashboard ay nagbibigay ng visual tools tulad ng graphs at charts na nagpapadali sa pagsusuri. Ang mga datos ay maaari ring ma-download para sa mas masusing pag-aaral ng mga mananaliksik.
Saan nakuha ang mga datos na ito?
Ang fiscal data ay kinalap mula sa mga datos na publicly available sa website ng Department of Finance, Bureau of Local Government Finance. Ang election data ay nirequest mula sa Commission on Elections (COMELEC)
Paano ma-access ang dataset?
Pumunta lamang sa Resources section ng website upang maidownload ang dataset sa format na nais. Ang Philippine Local Government Interactive Dataset ay maaring madownload bilang isang Microsoft Excel worksheet, o Stata file.
Paano nakatutulong ang proyekto sa mga botante?
Makakatulong ito sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga botante tungkol sa performance ng kanilang mga lokal na lider. Nagsusulong ito ng evidence-based policymaking upang gawing mas may konkretong batayan ang pagpili sa halalan.
Maaari bang magbigay ng feedback?
Oo, hinihikayat ang mga gumagamit na magbigay ng feedback gamit ang upang makatulong sa patuloy na pag-validate ng mga datos at pagpapahusay ng platform.
Ginamit ko ang dataset sa aking pagaaral, paano ko ito babanggitin?
Maaring banggitin ang website na ito sa APA, MLA, at Chicago Style na pamamaraan. Ang mga pagbanggit na ito ay matatagpuan din sa Resources section ng website.
Paano namin kayo makokontact?
Maari ninyo kaming makontact sa aming mga opisyal na email sa pspc.cids@up.edu.ph.